#one

hi, tataka ka siguro bat ako nagsend ng ganito eh hindi naman natin monthsarry hehe. hindi ko rin naman to hahabaan pero desisyon mo naman kung babasahin mo ba to o hindi.hindi ko alam kung ako lang ba nakakaramdam o pati ikaw rin. idadaan ko nalang siguro sa ganito yung mga gusto kong sabihin. tumal natin nitong mga nakaraang araw eh, hindi ko alam kung may problema ba tayo o okay pa ba tayo. palagi ko namang sinasabi sayo na hindi ako sanay na ganito tayo kasi mabilis kong damdamin. alam mo din na palagi kitang naiintindihan. alam ko na parehas tayo kalahati ng araw natin may ginagawa tayo, kaya sa gabi nalang tayo nakakapag usap nang maayos. pero nitong mga nakaraang araw ang tumal ng usapan natin eh, parang nagf-flashback yung dati nating usap, parang magtropa lang datingan eh. isang tanong isang sagot.hindi naman ako nagdedemand, alam ko naman na libangan mo yang paglalaro. kampante ako kahit hindi kita nakakausap nang kalahating araw kasi alam ko naglalaro ka at may mga personal na bagay ka din na iniintindi. suportado kita sa kung ano mang gusto mong gawin, kasama mo ako sa lahat. nakakalungkot lang kasi tuwing gabi na nga lang tayo nakakapag usap nang maayos tapos maya maya matutulog na din tayo tapos kinabukasan ganon ulit mangyayare. pero hindi naman ako nagrereklamo don kasi nakakagaan pa nga ng loob kapag nakakausap kita, nakakatanggal ng problema at bigat sa dibdib.sana kung nabasa mo man to, okay na ulit tayo. gusto ko na magin masigla ulit tayo. ayaw ko na matamlay yung usapan natin kasi dinadamdam ko eh. kahit naman sabihi na wag damdamin, di ko maiiwasan yun. sorry ah. mahal na mahal kita, sobra sobra.